Mali Bang Matuto? Poem by rhona fabi

Mali Bang Matuto?

sabi ko,
'di pa nagpapakita ang taong
aakit sa akin.
sabi ko,
'di pa nagpaparamdam ang taong
aking mamahalin.
sabi ko,
'di pa nagsasalita ang taong
magpapasaya sa 'kin.
sabi ko,
'di pa dumarating ang guro
na magtuturo sa 'kin na...
ngumiti ng masaya,
gumalaw ng masigla,
tumili ng buong tuwa,
humanga ng sinasadya at
magmahal ng buo at tama.

pero minsan ba nasabi ko,
ang lahat saki'y nagbago?
'di man sadya pero aking tuwa.
natuto akong humanga sa akit
na 'di sinasadya.
natuto akong gumalaw na
sadyang malaya.
natuto akong ngumiti ng
walang daya.

'mali mang 'di pakawalan,
pero kailangang itago.
mali mang itago
pero kailangang ilihim.
mali mang ilihim
pero kailangang gawin.'

bakit?

'pag pinakawalan ko ba
tatanggapin mo?
'pag inilahad ko ba
dadamhin mo?
e 'pag sinabi kong
'mahal kita'
ikatutuwa mo?

Copyright © 2005 by Ronalyn 'Rhona' T. Fabi
(An original poem written on the 9th day of September 2005)

(This literary piece is govern with the rights of the author. Anyone who wants to use this poem should first ask the author or contact at reiyuucy_26@yahoo.com)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success