Nasa putikan ang katawan mong wala ng malay
Yakap ang anak na parehong nahirapan sa lunod
Dugua't nadaganan dulot ng hampas ng hangin
Nakulong sa mga higanteng anod na di makawala
O bagyong napakalakas na ngayong lang naranasan
Malaking sasakyan at barko'y kayang pataubin
Galit na Dagat na humampas sa siyudad at bayan na parang kamunoy na di makalangoy
Mga tao na parang butil lamang na niliuray
O tulong, ! Walang nakapitan sa pag garasa ng mga trosong tinik
O Diyos Ligtas mo ako! O Diyos ligtas mo kami!
Mga ungol na ng paghihinagpis
Mga ungol sa hakbang ng kamatayan
O Tatay ko! Iyak sa pagkawala na nabagsakan ng bahay, mabigat at matutulis na bagay
O Nanay! Hagulgol ng isang paslit na nawalay
Tuklap ang mga gusali’t mansyon, at lalong durog durog ang mga barong-barong
O mga Anak ko! Sigaw na humihikbi at pagtangis na halos pinagtakluban ng mundo sa sobrang sakit ng pagwalay
Kahit kayakap at magkahawak, pinaghiwalay pa rin ng trahedya ng hangin
Lahat ng negosyo at komersyo, wala ng pakinabang
Salapi at pera'y walang halaga kaysa sa munting ligtas na buhay
Saan ka man magtago sa mga ligtas na lugar, sa mataas ka man pumunta, o sa kwadradong bato, Pero parang buldozer ang pagsira o tulad ng malaking makina na unti unting winawasak Nanginginig sa bawat segundo ng malaking halimaw na hurricane
Ipo ipo na sinlaki ng isang probinsya naumiikot ng umiikot sa pagdikdik ng magagandang tanawin at maliligayang ala~ala
Pagalis mo Bagyo, Bakit ganito ang iyong iniwan?
Ulan ng dalamhati ang dumaloy na pinupunit ang mga puso sa mga inosenteng bangkay Kawawang lolo't lola di nakaligtas sa mga bayo na nilisan pa ng mga apo't anak
Luha at walang makain ang isa pang dusa
Lupaypay na sa uhaw at mga tulo sa mga mata ang naiinom
Kawawang mga kababayan na nakahandusay lamang na parang basura
Parang mga patay na hayop na tinakpan lang ng yero at kahoy
Kanin na may asin o asukal lamang ang kinakain
Tubig na di malinis kailangan inumin sa sobrang kauhawan
Nagkakasakit na ang karamihan sa kagutuman
Libo libo ang mga patay, mga sugatan, at mga nawawala
Pero milyon at bilyong tao ang mga nalungkot at nakiramay
Ilang probinsya ang natadtad ng bugbog karima-rimarim ng malaking unos
Subalit buong mundo at ibat-ibang lahi ang umaakay
Inubos Mo na lahat mula sa aming kabahayan at kabuhayan
Nagiwan Ka ng mga duguang damdamin sa pagkawalay ng mga pamilya
Sinugatan mo ang mga magkakataling puso ng mga Pilipino
Parang binigyan mo kami ng digmaan na wasak at luray-luray na parang binagsakan ng maraming pagsabog
Masahol pa sa lindol at pagyanig ng bulkan ang iyong lakas na kumitil ng walang labang Pilipino
Subalit naubos mo man ang mga dahon ng aming kayamanan
Naputol mo man ang mga tangkay ng saya sa siyudad
Pinapagsak mo man ang mga bunga ng aming paghihirap
Meron pa kaming kaisa~isang natira na napakahalaga
Kaisa~isang hindi napabagsak
Kaisa~isa na dadaloy sa mga maliliit na ugat at bubulwak sa aming mga puso, diwa at kaluluwa Ito ay UGAT NG PAG~ASA na tutubong muli, gagapang pataas ng masisinagan ng mga bagong araw ng pagmamahalan at pagtutulungan
Didiligan muli ng mga ulan at ambon na nanggaling sa mga magagandang kalooban sa buong mundo
HALIKA, Halika, Ibigkis ang bukas na Kamay ng Kalinga sa mga Braso ng Pagkakaisa upang unti- unti muli makikita ang bagong PAG~AHON
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
i deeply felt your Wonderful poem. SUPERB