Hameme, hamena.
Habilin ng lola
sa aking inay.
Hameme, hameme;
humimbing na sa pagtulog,
dinggin niyaring dibdib
sumusuklob, nagpapainit
sa ginawin mong puso;
bumabalabal, nagpapasuso
sa nasisindak mong kuro.
Dinggin niyaring pusong
nagpapasakit, nagpapalawig
upang iyong puso'y mahimlay,
mahimbing at mahiwalay
sa kung anumang sakdal.
Dinggin yaring tabing-dagat,
hagulgol ng tubig na dumadampi
sa dalampasigang
hatid ang biyaya
ng isang hameme, hamena
para sa sanggol
na katulad mo.
(Surrey, Canada, Jan 26, '09 8: 09 PM)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem