Ikaw
sa tabing-dagat
sa karimlan ng gabi
sa lamig ng dapit-hapon
sa ilalim ng niyog
sa ibabaw ng pawid na bubong
sa gitna ng ating pawisang katawan.
Ako
sa iyong panaginip
sa iyong paggising
sa dalampasigan
sa tuwing umaga
na gumigising
nang wala ka.
(Surrey, Canada, Jan 25, '09 12: 08 PM)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem