Itinago kita dito kalooban
Iniisip ang ating mga alaala
Aking lumbay napapawi sa’yo
Hinahanap kita’t nangungulila
Minsay hindi kita matiis makita
Kahit anong larawa’y binibisita
Tinitignan mga kapirasong iniwan
Sasariwain mga maliligayang sandali
Masarap balikan mga maulan na kahapon
Tamis ng pag-ibig na sa hangin na lamang
Umaagos na pagmamahalan sa kawalan
Sa pangatap natin na naglaho sa alapaap
Wala ng patutunguhan dati nating yugto
Lusawin na at tanggaping wala ka na
Tunawin ang mga nabuo nating paraiso
Langit nati’y panaginip lamang sa parang
Pakakawalan na kita sa aking damdamin
Liwanag ay haharaping palayo sa iyong anino
Sa huling pagtanaw ko sa iyo’y
papatak aking luha
At uubusin lahat pati alikabok ng mga bakas ng ating napakagandang kahapon.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem