'Saking paglalakbay sa mundo ng buhay
At dito napadpad sa gitnang silangan
Mga samut-sari ang naging karanasan
Sa landas na tahak walang katiyakan
Naging kasapi kung tawagin OFW
At kabilang sa grupong mga Pilipino
Lahat nagbigay sa munting salo-salo
At para madama ang diwa ng pasko
Masaya 'pagkat lahat ay sama-sama
May pictures sa FB para sa pamilya
Mga ngiting naghalong lungkot at ligaya
Na bawat damdamin ay nangungulila
Ngunit ang wala'y karoling ng mga bata
Mga tinig likas na tunay't kakatuwa
Mga parol iba't-ibang hugis at kulay
At christmas lights na sadyang kaaya aya
Sa bawat sandali sa gitnang silangan
Pangarap na lang ang kumpletong pamilya
At naghihintay na mga mahal sa buhay
Ang tanging saya sa puso't alaala.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem