Nilulutong damdamin malapit ng matikman
Wala sa panahon subalit may tagpong kapalaran
Wala pang nakatago ngunit may tumubo sa puso
Wala pang silip pero may lilitaw ng pag-iisa
Sobrang liit na binhi’y tutubuan ng ugat ng pagtitinginan
Iihipan ng amihan at kikislap sa tuwina ng galak para sa iyo
Dati’y wala kang tunog, ngayo’y musika ka ng pag-ibig
Unti-unti nagtitipon ang mga buhangin para sa ating kaharian
Di pa maaninag ang namumuo para sa atin,
Kusa itong magdidikit para sa ating mga kapiraso
Habang umuukit pa lamang ang ating tadhana,
Maghihintayan tayo upang tuparin ang bukas ng pagmamahalan natin.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem