'Kay sakit pa rin ng nadarama
Sa pait na dulot ni 'Yolanda'
Kahit ilang linggo na nagdaan
Hindi pa rin mawala sa isipan
Sa buong mundo ay nailathala
Ang lagim ng sinapit na trahedya
Nagsisikip ang dibdib sa nakita
Hindi mapigil pagpatak ng luha
Sa Diyos na ngaun idinadasal
Ang nakaligtas sana bantayan
Lalo na mga batang musmos
Na nawalan ng mga magulang
Lubos din na nagpapasalamat
Sa mga tulong ng ibang bansa
At sa pagbigay nila ng pag asa
Sa ating kabayang mga naulila
Saan man lugar sa mundo
Mga OFW lihim na nagdurusa
Umiiyak sa trahedyang nakita
At sa puso hindi sila nag iisa.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Tama, di tayo nag-iisa, iba ang puso ng pinoy, lalo na ang mga tulad nyong OFW...bangon Pilipinas!