hindi ako humiling
...dumating ka.
narinig ko ang bulong ng Diyos
naramdaman ko ang biyaya
na akin ka.
tunay nga na may pag-ibig
kakaiba...nakakalula....
nakakalunod.
natuto ako maghintay
mga pagkakataong ang lahat
ay may pagkakaugnay
at natutong mamuhay sa mundo
kung kailan lang pwede tayo.
hindi humihinto ang pag-ikot ng mundo
ni ang pag-ibig ano man ang uri nito
ang lahat ay may simula
magpapatuloy man o magwawakas....
lahat nang ito'y mawawala
sa sandaling ika'y pagod na
at nagwakas na.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem