Sira-sirang bubong...
di makayanan
mga nag-mamadaling butil
ng ulan
at hampas ng hangin.
Sa lamig ng panahon
pilit kumakanlong
mga batang puno ng kuryosidad
sinagasa ang mapanghamong
pagkakataon!
Isa... dalawa... tatlo...
di mabilang na
luha ng ulan
kanilang hinintay pumatak,
dumaan
yakap ng pasimulang
batam-bata pa'ng ulan...
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem