MELVIN BANGGOLLAY

Rookie - 175 Points (11/07/1975 / Natonin, Mountain Province, Philippines)

Kailan - Poem by MELVIN BANGGOLLAY

Kailan kaya muling aking masisilayan
Ngiti ng bulaklak na pinag-ukulan
Ng wagas na pag-ibig na kailanman
di magmamaliw hangang kamatayan.

Sa bawat araw ito'y panalangin
Na sana panaghoy ko'y dinggin
at muling ikaway yang ngiti sa akin
upang kaligayaha'y masisilayan din.

Sa bawat panahong di ka masilayan
katumbas ay buhay sa kawalan
Na sa bawat dapithapon na daraan
kalungkutang lubos sa akin ay nahan.

Ano mang mangyari sa buhay na angkin
Mawala man ito kasama ng hangin
Di ko magagawa na ika'y limutin din
Pagkat ikaw lamang panatang iibigin.


Comments about Kailan by MELVIN BANGGOLLAY

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Tuesday, July 30, 2013

Poem Edited: Wednesday, July 31, 2013


[Hata Bildir]