Inner Whispers

Rookie - 47 Points (May 25,2008 (d day this page was born) / Philippines)

! ! ! Yapak Ng Kaligayahan Sa Dalampasigan - Poem by Inner Whispers

Hinintay ko ang pagsikat mo...
umasam sa dibuho ng mapang-akit na langit
napangiti ako at nasambit,
anong DAKILA ng iyong kapangyarihang umakit
at ako'y binibighani ng iyong rikit!

KANYAng pinigilan...
daluyong ng alon,
pinayapa ang ngitngit
ng kanyang malalim na pagkagutom
uyayi ng kanyang makulay na himig
isinabog sa kawalan...
alapaap ng pangarap ay unti-unting nasilayan!

Ah... ramdam ko sa payak na pagkatao ko
ang kaligayahang hatid ng makulay MOng mundo...
huminga ako ng malalim
saplot ng paa'y hinubad
nang maramdaman ang LUPA
sa aking bawat yapak.


Poet's Notes about The Poem

Para saiyo... IKAW ang TULA ng pagkatao ko!

Comments about ! ! ! Yapak Ng Kaligayahan Sa Dalampasigan by Inner Whispers

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, April 18, 2013

Poem Edited: Wednesday, October 2, 2013


[Hata Bildir]