Inner Whispers

Rookie - 47 Points (May 25,2008 (d day this page was born) / Philippines)

! ! ! Timawa - Poem by Inner Whispers

Nakapangalumbaba...

dungaw ni Juan
tila malalim, malayo
malabo...
nasasagkaan
ng pader ng panghihinayang,
ng pag-asam...
ng tamis, ng pait
sa labi at mata'y
banaag ang malalim na pag-iisip!

isip niya'y naglalakbay
bukas...
ngunit walang maapuhap
sa dako ng kanyang pangarap!

yosi'y nauupos na
magkano na nga ba ang isa?
di namalayang nakaipit
sa nakapangalumbabang bisig!

Malamig na ang kape mo,
timawang JUan!


Poet's Notes about The Poem

(Ano nga ba ang nasa isip mo at bigla'y nagkainteres ako sayo, ordinaryong Juan?)

Comments about ! ! ! Timawa by Inner Whispers

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, July 25, 2013

Poem Edited: Friday, July 26, 2013


[Hata Bildir]