Elle Barr

Rookie - 10 Points (Philippines)

(a Tagalog Poem) Ipakita Mo - Poem by Elle Barr

Ipakita mo,
Ipakita mo,
Ang tunay na nararamdaman,
Sabihin mo,
Sabihin mo,
Ako’y nahihirapan.
Halika na,
Lumapit ka,
Ito’y madali lamang,
Kumilos ka,
Magsalita na,
Isang galaw lang ang kailangan.

Galit ka ba?
Ipakita mo,
Maiintindihan ko ito.
Masaya ka ba?
Sabihin mo,
Tumawa tayong pareho.
Nalulungkot ka ba?
Halika,
Mag-usap tayo.
Nalilito ka ba?
Lumapit ka,
Maglakad-lakad tayo.

Iyong pakatandaan,
‘wag kalimutan,
Ano man ang iyong drama,
Nalulungkot ba,
O masaya,
Umiibig o nagmamahal,
Nabigo,
O sugatan ang puso,
Gusto nang sumigaw,
Dulot ng problema,
O yaring mapapasayaw,
Sa sobrang saya-
Naririto lamang ako,
Handang makinig saiyo.
Kung handa ka na,
Usap tayo.


Comments about (a Tagalog Poem) Ipakita Mo by Elle Barr

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, May 5, 2010



[Report Error]