Anti-Terrorism Bill Poem by Paul Pruel

Anti-Terrorism Bill

Isang bagong panukalang batas
Na ipapatupad ng bansang Pilipinas
Upang putulin ang mga sungay
Ng terorismong hatid ay hapdi't lumbay...

Ang dala'y martilyo't pantabas
Pang durog sa batong matigas
Na sagabal sa tatahaking landas...

Ang katawan nito'y gawa sa bakal
Matigas na walang katulad
Hahabulin ang mga may sala
Papanagutin sa kanilang masamang gawa
Na nagdulot ng pambansang pagdurusa...

Bagong batas na pakikinabangan
Ng mga taong nangarap ng kapayapaan
Buhay na tahimik na walang gulo't patayan
Sa loob at labas ng bayang kinagisnan...

Ito bang batas ay dapat katakutan
Kung ang tunay nitong layunin
Ay para maalagaan si Inang-Bayan?
Ano sa palagay n'yo kabayan?

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success