Ballpen Poem by Reagan A. Latumbo

Ballpen

Maliit pa lang ako kilala na kita
Nakikita kitang gamit ng aking ina
Nakalagay pa nga minsan sa itaas ng tainga na aking ama
Pinaglalaruan ko pa noong ako'y bata pa.

Tumatak ka sa aking isipan
Lahat ng tao'y lagi kang nasisilayan
Mapa-palengke man iskinita, daan, maging sa loob ng pampasaherong sasakyan
Baon-baon ka ng mga konduktor sa bus na aking sinasakyan

Napakahalaga mo sa buong mundo
Hindi ko alam kung bakit ibang tao ay hindi ka gusto
Mahirap man o mayaman napakaimportante mo
Mamahalin man o hindi kilala ka sa kahit anong estado.

Nakakatulong ka sa aking mga gawa
Kahit noong ako'y nagsisimula pa lang magsulat
Pwedeng lapis ang gamit kong panulat
Pero iba pa rin kapag ballpen ang unang tumatatak.

Pasalamat ka dahil mahal kita
Mula ulo hanggang paa
Kahit na anong kulay meron ka
Ballpen ka pa rin sa aking mga mata.

Kung puso ko man ay masugatan
Ikaw naman ay nariyan
Upang isulat ang aking nararamdaman
Ang kapalit ay kahit kaunting kaginhawaan.

Nawa'y ika'y magtagal
Kahit pati oras ay maging mabagal
Kahit tambutso ng sasakyan ay gagaragarapal
Ako'y nandito lamang at labis na nagmamahal.

Friday, April 17, 2015
Topic(s) of this poem: inspiration
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Reagan A. Latumbo

Reagan A. Latumbo

Pasay City, Metro Manila, Philippines
Close
Error Success