kay ganda talaga ng umaga ko pag ikaw aking nakikita,
mga ngiti mong inaabangan ko sa tuwi tuwina;
mga mata mong kumikinang ang puso koy nahalina
sa bawat pagtitig mo'y masasabi kong ikaw na sana;
ikaw ang siyang nagbibigay kulay at pagasa,
dito sa mundo kong puro kalungkutan ang nadarama;
sa bawat mensahe mo saki'y di ko maikubli ang kaligayahang nadarama,
ikaw ang nasa isip lagi maging pagdilat ng mata sa umaga,
ngunit, sapagkat, bakit, datapwat at subalit,
ang mga katagang nasagot kapag sayo ako nakakapit;
kaligayahan ng pusoy hindi ko mawari,
buhay ko'y nakumpleto at ikaw ang bumighani;
pagsasama nati'y aking pag-ingatan,
sa bawat desisyon koy masusing pinag iisipan;
sapagkat ang isang katulad mo'y dapat iniingatan,
dahil ikaw ang gusto kong makasama magpakailan pa man;
ang hiniling ko kay Lord ay kaunting kaligayahan,
ngunit binigay nyay higit sa aking inaasahan;
mundo ko'y nagbago at iyong nabuo,
ikaw ang nakaantig sa natutulog kong puso.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem