Ang pag-ibig nitong puso
Sa kan'ya 'di maglalaho
Kahit milya pa ang layo
Sa bayan kong may siphayo
Ako ay nangungulila
Sa maganda niyang mukha
Na dati kong sinasamba
Mula pa ng ako'y bata
Ngayo'y takot at pangamba
Ang tunay kong nadarama
Boses niya'y nananamlay
Sa hirap at mga pighati
Sapat ba ang mga salita
Upang siya'y lumigaya?
'Di kaya'y pagkakaisa
Sa kan'ya'y magpapasaya?
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem