Dahil Ako'Y Pala-Ibigin...Pala-Ibigan Poem by Paul Pruel

Dahil Ako'Y Pala-Ibigin...Pala-Ibigan

Ikaw ang agila na lagi kong pinagmamasdan

Maganda ka, ngunit ika’y napakailap,

Na kinababaliwan ng aking mga sulyap,

Nagsasayaw na mag-isa sa papawirin.

Gusto kitang samahan sa iyong paglipad

Kung ako’y magkakaroon ng pakpak,

At sasamahan sa iyong dadapuan,

Sa t’wing ang araw ay lulubog sa kanluran.

Masarap lumipad na kasama ka,

Lalu na kung magsasabay,

Ang pagkampay ng ating mga pakpak,

Sa mukha ng nakikiliting hangin.

At pabulong kong isisigaw sa’yo

Ang saya na aking nararamdaman,

Sa t’wing tayo’y bubulusok,

Pababa’t pataas ng kalangitan…

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success