Hay Naku Po Panginoon Poem by Minerva Agriam

Hay Naku Po Panginoon

H -anap hanap ka sa tuwina nitong mga mata'y
Ikaw ang nakikita, parang talang nagniningning.
A -san ka man ngayun naruruon sinta,
Sana'y ika'y masaya't maligaya.
Y -an ang panalangin ng pusong nagmamahal,
Pagmamahal na tanging sa iyo lang nakalaan.
N -ariyan ka lang giliw, ako'y mahal mo rin,
Ngunit hangal ma'y di mababali;
A -ng pagsinta na di maaaring pagyamanin.
Sa puso'y may kirot na idinulot.
K -ung ito man ay galing sa Puong Maykapal,
Sya narin ang gagawa ng pamamaraan.
U -mayaw man o gugustuhin, kung ang Diyos
Ang may gusto lahat ay naging tutuo.
P -anginoon ko na may gawa ng lahat na sakin,
Ikaw narin ang may laan ng buhay ko.
O, Ikaw rin ang nagbigay ng saya't kasaganaan,
Ikaw lang ang tanging makapagbigay.
P -aghahanap ng puso kong mapaghanap ng
Ligaya't saya na ikasasaya ng tunay.
A -king idulot sa Iyong mapagmahal na Puso,
Ito ang tanging panalangin at hiling ko.
N -a sana'y handugan Mo ng magandang buhay
Ang mahal kong walang kapantay.
G -into man at salapi di maaaring ipagpalit,
Sya lang ang tanging narito sa puso ko.
I -to ang itinitibok ng puso na sa kanya'y nabihag,
Pagtibok na di mapaghanap.
N -ang ano mang katumbas o kapalit,
Dahil itong pagsinta'y galing lang sa Iyo.
O, Panginoon ko, mahal na mahal ko,
Pagmamahal Mo ang tanging hangad.
Oo, Panginoon. Dahil Sya ay Sugo Mo,
Galing sa Iyo, sana ang pagmamahalan,
N -a ito'y basbasan Mo habang buhay dahil
Ito'y pagmamahal na galing sa Iyo.

(2/01/03.12: 45 p.m)

Sunday, January 1, 2017
Topic(s) of this poem: love
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success