Heto ka na naman,
Pumapasok sa aking isipan,
Naglalaro at tinutukso
Ang aking damdamin.
Bakit ka ba ganyan,
Kailan mo iiwan,
Ang isipan nananabik
Makita at makausap ka?
Di man lang pinangarap,
Na sa iyo ay hahanga,
Sandali'y hinahatak,
Upang ika'y makasama.
Heto ka na naman,
Sa nanabik na puso ko,
Naghahanap ng landas,
Upang ika'y makausap.
Parati na lang bang,
Ganito ang puso ko,
Heto ka nanduon,
Sa isipan at damdamin.
(4/28/03. 7: 10 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem