Hinaing Ng Puso Poem by jessiedith 610

Hinaing Ng Puso

Rating: 2.5


Ngiti mo lang ang aking nais,
Hindi ang iyong pag-ibig.
Bakit kaylangan mong ipagkait,
Sa isang pusong sayo’y umiibig.

Alam kong di mo ako nauunawaan,
Kaya nagawa mo akong saktan.
Kahit sana’y pansininmo lang,
Iyan lang naman ang inaasam.

Hinahanap ka sa mga araw na dumaraan,
Mamahalin ka hanggang sa katapusan.
Ngunit alam ko iba ang iyo’ng minamahal,
Kaya’t heto ako mananahimik nalang.

At ngayon nga ikaw ay nagpaalam,
Tila ang puso’y babalik sa kalungkutan.
Wari’y mamamatay ang pusong maiiwan,
Tila di kakayanin ang yong paglisan.

Mga araw ko ay tunay na pumapanglaw
Kapag ikaw sinta ay din a matatanaw.
Laging ikaw ang nasa isipan,
Kahit saglit sana’y ikaw ay masilayan.

Masakit isiping nasa malayo ka,
Ngunit ayawkong mawalan ng pag-asa.
Dahil napakaliit ng mundo para sa pag-ibig ko,
Alam ko balang araw tayo’y magtatagpo.

Hindi man at di rin bukas,
Basta’t ang pag-ibig ko sayo’y hanggang wakes.
Kahit piliting alisin ka sa aking isipan,
Lagi ka paring nasa puso magpakaylan man.

Lagging maghihintay at magbabakasakali,
Na balang araw tayong dalawa’y magkikita muli.
At sana sa arawna iyon ay makakamit,
Ang kaytagal ko nang minimithi..








jcdeth10
2006 3rdyr high

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success