Hindi mawari ang kaligayahang aking nakamtan
Nang sa wakas tayo’y naging isa nalang
Buong puso kong pinasalamatan
Ang diyos nasa atin ay may lalang
Ngunit biglang naglaho saya sa aking puso
Nang tuluyan kong mapagtanto
Huwad palang pagsuyo ang iyong ipinangako
Hindi makapaniwalang ako’y iyong naloko
Sadya nga bang ganito ang mag-asawa
Minsan ay kaydali ang magsawa
Anuman ang sabihin hindi mo maitatatwa
Pinapahiwatig mong sakin ay gusto mo nang kumawala
Kung dati ika’y laging sabik
Ngayo’y madalas hindi maalala kahit isang halik
Ano kaya ang magagawa upang maibalik
Pag-ibig mong akin lang bawat saglit
Itong mensahe ay aking inilalaan
Sa taong buong puso kong pinahalagaan
Sanay lagi niyang tatandaan
Siya lang ang iibigin ng ganito magpakailan pa man
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem