[isang Tatlumpung-Taong Batang Lalaki...] Poem by P. Rivera

[isang Tatlumpung-Taong Batang Lalaki...]

Isang tatlumpung-taong batang lalaki na taimtim na naniniwala sa kanyang walang kamatayan.

Isang batang lalaki na ang bughaw at puting kutis ay parang holen sa kalangitan.

Isang batang lalaking babagsak sa akin na parang lapida sa gabi. Parang pagtulog na walang pangarap.

Siya na biglang lilitaw at maglalaho na parang isang parisukat na itim sa itim na likuran.

Translated into Filipino by Patria Rivera

This is a translation of the poem [A thirty-year-old boy...] by Tadeusz Dąbrowski
Sunday, October 17, 2021
Close
Error Success