Leona Florentino

(19 April 1849 - 4 October 1884 / Vigan)

Kakaibang Pagkalibing ng Paghahangad - Poem by Leona Florentino

-->

Ang kakaibang timyas mo'y lagi kong panaginip
Tuwing gabing ako'y nahihimbing;
Tila ba sumasamo ako sa iyo nang tumatnagis,
Inihihimutok ang lumbay at pasakit na tinitis.

Nenang, arukin mo sa kaibuturan ng isip
Ang mahahapdi kong mga daing;
Dahil tunay namang walang
kahihinatna't, wala nang kabuluhan,
Kikitlin ko na ngayon itong pagdurusang
hinaharap.

Tunay, imnas, pagkat ano pa nga ba ang aking
hahangarin?
Kung kalupitan din lamang ang aking
tatamasahin;
Mamatamisin ko ang kamatayan
Kung sayo ito magmumula.

Ang buhay kong ito'y sa iyo nakalaan
Kung nanaisin mo, kahit pa mapugto ang hininga;
pagpalain mo na sana itong pusong nakikiusap
Na sa piling lubos tumahan.

Arukin mo sa kaibuturan ng isip
Itong napakahapding pagdaing,
At kung itong pagsinta'y iiwanan mong
nagdurusa,
Hanggang puntod susundan ka ng mga luha.

At yaong bangkay dito'y
Bubuntunghininga nang buong-buo
Upang yaong mga taong makaririnig ay
magsasabing
Ay, tunay namang kaysawimpalad
Lubusan nang napariwara't wala nang pitagan.


Magmula, Giliw, nang ikaw ay Pumanaw
Gregoria de Jesus

Magmula, giliw, nang ikaw ay pumanaw,
Katawan at puso ko'y walang paglagyan;
Lakad ng dugo sa ugat ay madalang,
Lalo't magunita ang iyong palayaw.

Lubhang malabis ang aking pagdarandam
Sa biglang paggayak mo't ako'y panawan,
Alaala ako sa iyong pagdaraanan,
At gayundinnaman sa iyong katawan.

Na baka sakaling ikaw ay kapusin,
Lumipas sa iyo oras ng pagkain;
Sakit namabigat baka ka sumpungin
Na lagi mo na lamang sa aki'y daing.

Saan patutungo yaring kalagayan,
Dalamhating lubos liit ng katawan,
Magsaya't kumain hindi mapalagay,
Maupo't tumindig, alaala'y ikaw.

Kalakip ang wikang "magtiis, katawan,
Di pa nalulubos sa iyo ang layaw,
Bagong lalaganapang kaginhawaan
Ay biglang nag-isip na ikaw ay iwan."

At kung gumabi na, banig ay ihihiga,
Matang nag-aantok pipikit na bigla,
Sa pagkahinbing panaginip ka, sinta
Sabay ang balong ng di mapigil na luha.

Sa pagka-umaga, marahang titindig,
Tutop ng kamay yaring pusong masakit,
Tuloy na dungawan, kasabay ang silip,
Sa paroroonan mong hirap ay mahigpit.
Matapos sumilip, pagdaka'y lalabas,
Sa dulang kakanan agad haharap;
Ang iyong luklukan kung aking mamalas,
Dibdib ko'y puputok, paghinga'y banayad.

Sama ng loob ko'y sa aking mag-isa,
Di maipahayag sa mga kasama;
Puso ko ay lubos na pinagdurusa,
Tamis na bilin mo'y "magtiis ka, sinta."

Sa akin ay mahigpit mong tagubilin,
Saya'y hanapin at ang puso'y aliwin;
Naganap sumandaliy biglang titigil,
Alaala ka kung ano ang narating.

Mukha'y itutungo, luha'y papatak,
Katawan pipihit,lakad ay banayad;
Pagpasok sa silid, marahang igagayak
Damit na gagamitin sa aking paglakad.

Lilimutin mo yaring kahabag-habag,
Puhunang buhay tatawirin ang dagat;
Pag-alis ay sakit, paroroonan ay hirap,
Masayang palad mo sa huli ang sikat.

Ako'y lalakad, usok ang katulad;
Pagtaas ng puti, agiw ang katulad;
Ang bilin ko lamang, tandaan mo, liyag,
Kalihiman natin huwag ihahayag.

Paalam sa iyo, masarap magmahal,
May-ari ng puso ko't kabiyak na katawan;
Paalam, giliw ko, sa iyo'y paalam.

Masayang sa iyo'y aking isasangla
Ang sulam pamahid sa mata ng luha,
Kung kapusin palad, buhay mawala,
Bangkay man ako, haharap sa iyong kusa.


Comments about Kakaibang Pagkalibing ng Paghahangad by Leona Florentino

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Monday, May 28, 2012



[Report Error]