Kapag ang puso ay nagmahal,
Lumalakbay;
Tinatahak mga yapak,
Ang landas;
Nang pag-ibig na galing
Nitong puso;
Kasabay sa pag-inog
Nang mundo;
Ang pag-ibig ay
Yumayabong;
Dinidilig ng mga sandaling
Ika'y kapiling.
Kapag ang puso ay nagmahal
Tumitibay;
Luob at damdamin ng
Magsing-irog;
Inaalagaan nang Maykapal
Ang busilak na pag-ibig.
Kapag ang puso ay nagmahal
Lahat au gumaganda;
Walang pait na hindi
Tatanggapin;
Makapiling lamang
Ang ginigiliw.
Kasabay sa paglipas
Ng mga oras at sandali;
Tayo ay tumitibay
Sa pag-ibig.
Inialay sa mga pusong
Nagmamahalan.
(5/01/03. 10: 30 a.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem