Karapatan Kong Maisilang Poem by Reagan A. Latumbo

Karapatan Kong Maisilang

Pangarap kong ako'y mabuo,
sa iyong sinapupunan ay maging tao.
May ilong at mata,
bibig at tainga sa mukha.

Tuklasin ang kasiyahan,
makipaglaro at makipagkulitan.
Sa mundong ginawa ng Diyos,
ramdam ang walang hanggang kaligayahan.

Nguni't bakit kayo'y hindi natakot,
bigla niyo akong ipinagdamot?
Hindi niyo ba alam na ako'y nayayamot,
na makita kayong masaya at hindi malungkot?

O aking ama at ina,
ang inyong pagmamahal ay nasaan na?
Bakit niyo ako pinalaglag?
Hindi ba kayo nahahabag?

Karapatan kong maisilang!
Upang kayo'y may katuwang.
Karapatan kong mabuhay!
Upang pag-ibig niyo sa isa't-isa'y maging habang buhay.

Saturday, June 6, 2015
Topic(s) of this poem: life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Reagan A. Latumbo

Reagan A. Latumbo

Pasay City, Metro Manila, Philippines
Close
Error Success