Karunungan Poem by Cm' Montepio

Karunungan

Ako'y sumisigaw sa mga kabundukan.
Ako'y nag-aabang sa mga bayan.
Ako'y naghihinaing sa inyong puso't isipan.
Ngunit, bakit ako ay ayaw niyong pakinggan?

Sa mabuting landas kayo'y aking gagabayan.
Mabuti kong aral sana'y inyong alagaan.
Isulat nyo ako sa inyong puso't isipan.
Mabuting aral sa akin nyo matatagpuan.

Isuot nyo ako bilang palamuti sa inyong katawan.
Paalala na ako'y mas higit sa kahit na anuman.
Ako ay inyong hanapin.
Tiyak kong tagumpay ay inyong mararating.

Masamang bagay ay inyong maiiwasan.
Magandang bukas sa inyo ay nakaabang.
Huwag niyo akong kalimutan.
KARUNUNGAN ang aking pangalan.

Friday, October 19, 2012
Topic(s) of this poem: wisdom
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success