Kay Gat Andres Bonifacio Mula Sa Isang Hudas Poem by Justine Camacho Tajonera

Kay Gat Andres Bonifacio Mula Sa Isang Hudas

At kung magkikita tayo
balang araw
sasabihin mong
ako’y taksil
dahil lumaki ako
sa wika at lahi
ng mga dayuhan
at hindi man lang ako
lumaban.

Nilulon ko
pati ang pagbigkas
ng bawat
salita,
pati pagsuot
ng damit,
pati
pagsulat.
Nilulon, minahal,
inangkin.

Sinusugatan kita,
kadugo ko,
kapatid.
Turuan mo akong
masaktan,
magalit.
Gisingin mo
ako.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success