Mundo ko'y parang nagunaw,
Kailan lang ang lahat
Na pangarap biglang naglaho;
Lumipad sa mga ulap.
Di ko na maabot ang
Sariling mundo;
Ang saklap naman pati ba sarili,
Iiwan ako na nagdadalamhati?
Lahat sila isa-isang lumayo,
Iniwan akong labis nagtataka;
Bakit, bakit, bakit, wala lang
Bang kapalinawagan?
Wala ng magawa kundi
Lumuha, lumalaban man
Walang magawa; bumigay nalang
Ang sakit ay pilit tinitiis.
Ang bunga ng pagtitiis ay
Hinagpis, tumitikim
Ng sariling mga pawis;
Hinahagkan bawat patak ng luha.
Alam kong ang lahat na ito'y
Matatapos din; may
Luha man ay may ngiti din;
Ang sarili ay di dapat papagurin.
Hayaan nalang ang mga
Pag-inog ng mapaglarong
Daigdig; sapagkat sa pag-ikot
Nito'y t'yak may dalang saya.
Kaya pala ako labis labis
Na nasaktan, sa dulo
Lang nuon ikaw ay nakatago
May dala ng mga kasagutan
(4/24/03. 4: 15 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem