Dapat bang umasa,
Pangako mong iisa,
Na puso mo'y akin na?
Bawat lumipas na sandali,
Sarili'y di mapakali,
Hinihintay ang minimithi.
Nasaan na ang pangako,
Galing sa iyong puso,
Ihahandog mong mundo?
Kung iyong ihandog,
Tunay at wagas na pag-ibig,
Liligaya buo kung daigdig.
Dapat bang umasa,
Sa iyong wagas na pagsinta,
At mundo nati'y magkaisa na?
Alam mong ako'y sasaya,
Kung iyong ihandog ng kusa,
Ang pangako na pag-asa.
Kaya sana'y tutuo ka,
Para wala ng luha,
Kahit di man maraya.
(4/23/03. 12: 20 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem