randy gajudo


Laro / Game - Poem by randy gajudo

SA ANUMANG LARO, HINDI LAHAT AY ORAS MO
DARATING AT DARATING ANG ARAW NA PINAKA-AAYAW MO
KAYA'T BAGO MAGSIMULA ITO
IHANDA ANG SARILI MO DAHIL BAKA PADATING NA ITO

TANGGAPIN ANG PAGKATALO, AT GALINGAN SA SUSUNOD NA LARO
PAGKABIGO AY GAWING HAMON SA YONG PAGKATAO
AT SA TUWINA'Y PAKAISIPIN MO, NA SA BAWAT PALIGSAHAN
MAY PANALO AT TALO

AKO AY NAGLARO, UMAASA AT ALAM KO NA MANANALO
LAKAS, PAWIS AT TALINO'Y IBINUHOS KO
ARAL KO ANG BAWAT KILOS NG KAHARAP KO
AT KAHIT NAKATALIKOD, ALAM KO ANG IKIKILOS NITO

BIGAT AT SAKIT SA DAMDAMIN, AKO AY IGINUPO
ISANG ESTRANGHERO, BAKIT IKAW PA ANG GINUSTO KO
MAGKITA MAN TAYO, NGINGITI PA DIN AKO
DAHIL ALAM KO, MUNTIKAN NA AKONG MANALO
KAYA'T TANONG KO SA AKING SARILI
SA DINAMI-DAMI NG LARO, BAKIT PAG-IBIG PA
ANG AKING NILARO?


Comments about Laro / Game by randy gajudo

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Tuesday, April 13, 2010



[Report Error]