Pumalaot ka sa karagatan ng mga posibilidad
Iwan mo ang takot sa pantalan
Diretsong tingin lang
Huwag kang magkakamaling magbalik-tanaw
Sa bagyo ng kahapon
Sa kung paanong lamunin ng dagat
Ang lahat-lahat
Panibagong araw ang ngayon
At sa pagkakataong ito
Siguraduhin mong ikaw ang magtatagumpay
At tandaan na kung gaano katibay
Ang iyong barko
Ay mas matibay pa
Ang beterano mong puso
Dahil ang dagat ay pag-ibig
At ikaw ay matapang na manlalakbay
Sa hampas ng alon
Muli kang sasabay
At mahal
Ako ay patuloy na maghihintay
Sa iyong pagdating
Huwag ka na ulit maliligaw
Diretso lang ang layag
Tungo sa aking piling
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem