(Jose_de_claro)
8june’06/2: 35pm
Wala ka na ngang talaga.
Ika’y nagpaalam na.
Tuluyan mo nang tinapos ang lahat.
Kinuha mo, nag-iisa kong pangarap.
Pangarap na sanay makasama ka,
Na sana’y mapasaakin ka.
Na nariyan ka lang sa aking tabi,
Makikita ko, anu mang sandali.
Mapagmasdan ang mukha mo.
Ang mga ngiti mo.
Madinig ang boses mo,
‘Yan lang naman ang hinihiling ko sa’yo
Ngunit ikaw ngaba ay sadyang malupit?
Sa ginawa mo’y, para akong hinagupit.
Ginawan mo ng sugat, nagdulot ka ng pait.
Hanggang ngayon, dama ko ang sakit.
Ano ba ang nagawa ko? ’di naman ako masamang tao.
Upang maparusahan at magkaganito.
Seguro nga’y ako’y naging gago,
Umasa na ako’y mahal mo.
Inakala na ika’y tutoo, hindi pala nagkamali ako.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
I m proud of this channel to launch these poems