Naglalakad siya nang nakapikit
Naglalakad siya nang nakapikit
Walang nakikitang pasakit
Walang dala-dalang hinanakit
Kahit pa nga sa balat niya nakadikit
Ang anino ng mga demonyong nanglalait...
Bumubulong siya ng kanyang panalangin
Sinasamba niya ang hangin
Lumuluhod siya sa mga buhangin
Namumulot siya ng pagkain
Habang libong mga mata sa kanya nakatingin
Isa lang ang nakapansin.
Naglalakad siya nang nakatawa
Linimot ang lahat ng pait at parusa
Pagkat sa kanya'y walang ibang mahalaga
Kundi ang kapirasong basyo ng lata
Na linampinan at sinasayaw at kinakarga
At siya ay tumatawa...
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem