Akala ko dati, manhid ako
Na hindi ako nasasaktan masyado.
Kasi noong iniwan ko ang tabi mo
Nasakatan ako oo, pero nalampasan ko
Wala akong ibang ginawa kundi umiyak,
Umiyak ng umiyak, minsan kakain at matutulog pero ganun pa din
Sa palagay ko nga magkakasakit na ako sa bato noon sa aalat ng aking kinakain
Pero, sandali, naalala ko tsokolate yoong hawak ko pero nababad na din ng mga luha na sa mata koy pumapatak.
Gayun man nalampasan ko iyon...
Akala ko nalampasan ko iyon...
Kasi kahit tinalikuran kita noon,
Hindi ka sumuko sa kabaliwan kong yaon
Nandun ka tuwing kaarawan ko
Binabati ako ng may kabusilakan ang puso
Sa mga pagkakataong importante sa akin
Ikaw ang unang magpapaalala at babanggit sa akin
Akala ko manhid ako
Kasi oo umayak ako, pero nakaya ko
Yun pala maling akala lang
Andun ka pa rin, ako ang nagkulang
Ngayon na may nahanap ka nang iba
Siguro sa kapaguran na din sa kaka asa
Ngayon ko napatunayan na hindi ako manhid
Sobrang sakit,
oo nakakaluha pa din ako pero ang lungot di ko na nawawaglit.
Ngayon napatuyan ko na din na hindi ako manhid.
Tanga lang ako, dahil iniwan kita
Dahil huli na para hanapin ka pa
Hindi na magiging pareho ang pagtibok ng puso ko at paginog ng mundo at ngayon ko lang ito nabatid.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem