Leona Florentino

(19 April 1849 - 4 October 1884 / Vigan)

Naunsyaming pag-asa - Poem by Leona Florentino

-->

Pupos ng ligaya't katiwasayan
Silang may minamahal,
Dahil mayroon silang karamay
Sa lahat ng hinaing sa buhay.

Ang aba kong kapalaran
Tila walang kapantay
Ang sinasabi ko'y isang katiyakan
Dahil ako ngayo'y nagdurusa.

Ako'y nagmamahal
Sa isang sintas hiyas
Ngunit hindi ko matiyak
Kung ako'y karapatdapat.

Isinusunpa ko ang oras
Ng aking kapanganakan,
Libong ulit sanang higit na mainam
Kung namatay ako nang ako'y isinilang.

Susubukan ko sanang magtapat
Ngunit ako'y nauumid,
Dahil maliwanag namang
Mabibigo lamang ako.

Ngunit sapat na ang ligayang madarama
Kung malaman mo ang aking pagsinta:
Nangangako ako at sumusumpa
Ikaw lamang ang mamahalin hanggang kamatayan.


Comments about Naunsyaming pag-asa by Leona Florentino

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Monday, May 28, 2012

Poem Edited: Monday, May 28, 2012


[Report Error]