Sa buhay kong ito
Ngiti ang iyong masisilayan
Ngiti rin ang nagpangiti sa akin minsan
Ngunit nang ngiti'y nawala, ang mundo'y gumuho
Ngiting nagpangiti
Bumalik kang muli
At muling bigyang ngiti
Ang pusong uhaw sa iyong ngiti
Di na iibig pang muli
Minsan nang nabigo at nasaktan
Pilit kong iniwasan
Ang iyong matatamis na ngiti
Maraming pangarap na di nabuo
Maraming pangakong napako at naglaho
At ika'y kasama sa mga naglaho
Ngunit ang alaala mo'y sa puso pa rin nakatago
Nang ika'y naglaho
Ang mundo ko'y huminto
Sana'y magbalik ka sa akin sinta
At kailanma'y wag nang maglaho pa
Pagkat ang puso'y umaasa pa rin
Na masilayang muli ang iyong ngiti
Muli kang pangitiin at mahalin
Hanggang maglaho na ang ngiting nagpangiti sa iyong ngiti
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem