Pag-Ibig Mo Ang Buhay Ko Poem by Paul Pruel

Pag-Ibig Mo Ang Buhay Ko

Rating: 5.0

Ang puso ko’y lumulukso sa tuwa
Habang aking pinagmamasdan ang masasayang isda
Na naghaharutan sa ibabaw ng natutuwang karagatan…

Ako’y nag-iisang nakatayo sa may dalampasigan
Nang biglang malanghap ko ang humahalimuyak
Na pabango na dala ng maharot na hangin
Narinig ko rin ang mahihinang hakbang
Na papalapit sa aking kinaroroonan, kasabay
Ang malambing boses na nagpaalaala sa akin
Ng isang masayang tagpo ng buhay ko…

At nang ibaling ko ang aking paningin sa aking likuran
Matinding tuwa ang aking nadama, ang nakita ko’y ikaw
Suot mo ang manipis na damit na gustong-gusto ko sa araw
Ng ating pagpupulot-gata,20 taon na ang nakakaraan
At nakiliti ang puso ko sa sobrang saya…

Sa tindi ng aking pangungulila bigla kitang hinalikan
Sa pisngi at niyakap ng mahigpit na mahigpit
At sumayaw tayo sa saliw ng mga alon
Habang ramdam na randam ng ating mga paa
Ang kiliti sa t’wing umiindak tayo sa buhanginan
At sa itaas ng langit ay mapuputing ulap
Na masasayang nagmamasid sa ating dalawa…

Nguni’t ilang saglit pa’y unti-unti kang naglalaho
Sa aking mga kamay at paningin
Sumisigaw ako na huwag mo akong iiwan
Subalit tinangay ka ng hangin papalayo sa akin
At sumama ka sa mga ulap sa kalangitan
Wala akong nagawa kungdi ang pagmasdan kita
Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan…

Hanggang sa mapansin ko na unti-unti nang nagdidilim
Ang paligid ko at ang dating mahinang awit ng mga alon
Ay palakas nang palakas kasabay ang pangako ko
Sa aking sarili, na ang pag-ibig mo ay mananatili
Sa puso ko hanggang ako’y nabubuhay!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success