Sa bawat pagpikit ng mga mata ko.
ang mga mata mo, mukha, labi, bumabalot sa isip ko.
Hindi ko matanto kung bakit ako nagkakaganito.
Ang alam ko, hindi ito pagibig, pero bakit ako nagtatago.
Sa bawat halik ng iba, labi mo ang nadarama ko.
Sa bawat hawak ng kamay, ramdam ko, kamay mo.
Sa bawat yakap na matanggap, iniisip na sana, ikaw nalang.
Pero, sa realidad na meron tayo, Marami ang nakahaharang.
Kaya sa malayo nalang ang aking pagtinging, Wari'y mahulog ng tuluyan.
Sa pag isip ko sayo, unting unti na itong mamumuo ng lubusan.
Ngunit hindi maari, ikay nasa pedestal, makinis, elegante, Mahal.
ako'y munting tao, nagtatrabaho, nangangarap, ang pagyaman mabagal
Hanggang dito na lang ako. Tuluyan nalang kakalimutan.
Sa aking pagtahak ng buhay, Sana ikay masulyapan.
Pero ayoko sanang kalimutan ang mga maasasarap na alala
ito nga ba ang tinakda saakin ng Tadhana?
Sa huling sandali nating magkasamang dalawa.
sana nagkaroon ng pagkakataon umamin at lumaya.
Ngunit ngayo'y tayoy malayo na sa isat isa.
Di bale nalang. Sa mga panaginip ko itatakas tayong dalawa
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem