Pamamaalam Poem by Minerva Agriam

Pamamaalam

Alam kong ika'y napamahal
Na sa akin.
Di ka na kakaiba para
Na kitang kapatid.
Ngunit mga pangangailangan
Nati'y magka-iba.
Di naman dapat magsakripisyo
O magtiis,
Dahil lang sa isang araw
Na pagpapalabis.
Kaya dapat ng magpaalam
Ng maayos.
At ipasa Diyos ang dapat
Makamtan.

Kaya ito'y sadya ko
Talagang ginawa,
Para sa isang katulad
Mong maparaya.
Para sa pasakit at sakripisyo
Mong ginawa.
Para sa kabutihan ng
Makasalanang mundo.
Kabutihan at kawalan
Ang iyong buhay,
Ngunit kabuhayan naman
Ang ibinigay,
Sa lahat na may paniniwala
Sa Maykapal.

Paalam na aking kapatid
Paalam,
Aasahan mong ang iyong
Kabutihan,
Ay isipin at pangalagaan
Ko habang buhay.
Sa lahat na oras ang
Iyong pangaral,
Ay sisikapin kong magawa
At maibigay,
Ang mithiin mong
Kapayapaan,
Ay makamtan ko ng
Walang hanggang.

Paalam aking kapatid
Paalam,
Para mang ang lahat
Ay may wakas,
Ngunit alam kong ang lahat
Ay may kabuluhan,
Nagpaalam man ako
Ngayun,
Bukas duon sa walang
Hanggang,
Ang lahat ay makikita at
Makamtan,
At duon ay wala ng
Pamamaalam.


(6/14/03. 9: 15p.m)

Saturday, December 10, 2016
Topic(s) of this poem: separation
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success