Minsan sa aking buhay ako ay humiling
Na mapasaiyo at ika’y makapiling
Pero alam kong ito’y di mangyayari
Dahil ika’y panaginip sa ‘sang sandali
Matutulog na dapat ako kagabi
Nang ika’y aking makita sa’king tabi
Ikaw ay Ikaw ay nandoon at nakangiti
Ngunit nawala ka rin sa dilim ng gabi
Sa panaginip ko ikay nakatingin
Sabi mo’y gusto mong mapasaking piling
Ngunit sa pagkurap lang ng aking mata
Ikay nawala at ako’y paiyak na
Sa katunayan ika’y di para sa’kin
Sa iyong buhay mayroon kang mamahalin
Pero hindi ako dapat na mahikbi
Dahil ikay pangarap sa ‘sang sandali
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem