Panglaw Ng Bulalakaw Poem by lagstein l'tan

Panglaw Ng Bulalakaw

Isa kang bulalakaw
ganda mo'y pagiging ikaw
liwanag mong nakakasilaw
hatid sa akin ay panglaw

bulalakaw kang humagibis
sa pagdaa'y anong bilis
di sumagi sa hinagap
maglalaho sa isang iglap

bulalakaw kong mahal
saan dako titingin
masilip, maranasan
muli ang yong ningning

sa langit pakakaabangan
titingalain sa kalawakan
dasal muling masulyapan
ang buo mong kaningningan

bulalakaw kang dumaan
tangay puso ko at isipan
tulungan ako ng Maykapal
mabigyan ng kapahingahan

Panglaw Ng Bulalakaw
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
for my eldest son 11/07/24
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success