Pangungulila Poem by Minerva Agriam

Pangungulila

Minsan sa aking buhay,
Naalala ko ang mga sandali,
Panahun na mapayapa,
Masaya at marangya.

Hindi man kasing ganda
Ng mga bulaklak, at
Hindi rin kasingbango,
Ng mga hasmin o rosas,
Ang kaibigan ko ay
Maalahanin at mapagmahal.

Nangungulila na nga minsan,
Sa mga payo at pag aalaga mo,
Mga sandali na naruruon ka,
Kapiling at karamay ko.

Oh, nahan na ikaw,
Kaibigan kong mahal,
Naalala mo rin ba ako,
Kahit sandali sa buhay mo,
Na masaya tayo,
Kung magkasamang buo.


(3/20/03. 8: 25 p.m)

Friday, December 9, 2016
Topic(s) of this poem: friend
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success