Dapat bang magising,
Umagang kay tamis;
Parang nasa mga ulap.
Di man ninanais,
Ang naramdaman;
Nitong puso ko.
Kay ligaya ng mga sandali,
Parang tuldok ng musika;
Mga hakbang pabalik.
Mga paa'y nananabik umapak,
Sa mga bulaklak;
Na nasa paligid.
Ito ang nadarama,
Sa ganda ng umaga;
Tuwing kasama ka.
Para lang sa iyo,
Ang mga pangarap ko;
Kahit gising nangangarap pa rin ako.
(4/28/03. 7: 05 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem