Problema (Tagalog) Poem by J.M. Española

Problema (Tagalog)



Nakakabwisit man ang mundo,
Ang sakit man ng problema sa ulo,
Mahirap mang isiping may iba n siyang gusto,
Kailangan mo pa ding haraping lhat ay nagbabago...

Walang tama sa maling panahon,
Lahat ng sugat ay kusang naghihilom.
Labis man ang salang nagawa sayo,
Di maglalao'y mapapatawad mo din ito...

Kung ako ikaw at ikaw ay ako,
Malalaman mong minsaý may nagmahal sayo.
Di mo pinansin, di mo ininda,
Hanggang sa npagod na lang ang knyang pagsinta...

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success