Kung ika'y papipiliin sa dalawang nabanggit
Alin ba ang susundin para sa sarili'y igiit
Iyong paghahariin sa sarili mong gipit
Upang pagibig sa iyo'y di mawala ng pilit
Ang puso kayang nagsasabi ng tapat
O ang isip kayang nagsasabi ng dapat
Ang puso bang magmamahal sa kanya
O isip na alam ang tama para sa kanya
Mamahalin mo pa ba siya kahit may nasasaktan ka
O ipapaubaya mo siya kahit nasasaktan ka na
Magmamahalan ba kayo kahit mali na
O magpaparaya ka kahit di mo kaya
Susundin mo ba ang tinitibok ng puso na ibigin siya
O ang isip mong nagsasabing wag siya dahil may kinahihiyaan ka
Alin ba talaga ang dapat sundin
PUSO o ISIP…. Iyong pakasuriin
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem