Sistema Poem by gerald pilapil

Sistema

Kung ang sistema ay baon na
at ang lalim ay hindi na makita
malabo na ang liwanag sa umaga
may mga lungkot sa iyong mga mata
katotohanang hindi matangap ang sistema
patuloy kang magtatanong
subalit walang sagot sayong dudulog
salungat ka sa agos ng dagat
kaya't napakahirap mong matangap
na ang dungis ng lahat iyong nilalanghap

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success