Taas Noo Tayong Mga Pilipino Poem by John Arvin Sangalang

Taas Noo Tayong Mga Pilipino

Sala sa init, sala sa lamig
Saan nga ba ang panaho'y sa ati'y lalagi?
Nilipasang init, hirap sa atin ang hatid
Ulan ay dumating, na may kalakip na lamig

Lamig na bumabalot sa katawa'y pumapasok
Anong dala nito? Isa na naman bang pagsubok?
Pagsubok na andiyan at kelangang sa kanila'y kumatok
Kumatok sa puno, sa puno ng rurok

Pagkatok sa puno'y may kaukulan bang pagtutok
Pagtutok sa mga taong tinamaan ng malaking pagpasok
Pagpasok ng tubig na nagdala ng baha sa kani-kanilang purok
Purok na puno ng tao sa taas ng yero nakabultok

Nakabultok sa bubong sanhi ng malakas na baha
Bahang lampas tao na ayaw humupa
Sabayan pa ng hanging hinding-hindi nagpapaawat
Nariyan at bubong nila'y nagsasalimparan

Agos ng tubig ay dagasdas at biglaan
Tahanan nila'y nagsasayaw ng dahan-dahan
Maya-maya pa ay bibilis ang agos sa hulmahan
At magreresulta ng madami-daming tamblingan

Bahay nila'y nasawata at sila'y nilisan
Problema nila'y nagpatung-patong na sa isipan
Pagkain, tirahan, damit at gamot ang kanilang kailangan
Ngayo'y paano na! , wala na bang makukuhanan

Puno ba ang siyang makakatulong?
O ang mamamayan na may kusang tumulong
Hindi ba puwedeng sabay na balikat ang sumulong
At hindi pagtatagisan ng ulo ang sinusuong

Gobyerno ang nagawa ng desisyon
Mga sakop nito ang gumagawa ng tensyon
Pagsamahin nalang natin para makagawa ng solusyon
At matulungan lahat kahit wala sa posisyon

Kanya-kanyang suhesyon
Malalawak na opinyon
Ibat-ibang estasyon
Nagtutulungan para sa iisang sitwasyon

Malalaking tirahan
Magagandang kagamitan
Kahit madaming kayamanan
Bumababa sa pinagmulan

Maliit na bahay
Salat sa buhay
Prinsipyo nama'y walang humpay
Tutulong kahit buhay ay mauwi sa lamay

Tulunga'y andiyan kahit biglaan
Kahit noon ay di nagpapansinan
Hahawakan ang buhay ng kapwa nangangailangan
At di magdadalawang isip kahit buhay ay isaalang-alang

Ibat-iba ng kasarian
Kanya-kanyang pinapaniwalaan
Ngunit kagustuha'y iisa
Ang makatulong kahit mag-isa

Kulay man ng balat may kaibahan
Hugis ng ilong ay may kapanguan man
Kahit ganito ang aming kaanyuan
PILIPINO kaming natutulungan

Pagdadasal ang aming sandata
Sa sakuna'y ito ang aming panangga
Buong tiwala'y sa kanya ibibigay
Ibibigay ang buhay na siya ang gumawa

Unos na dumating sa una ay iindain
Lilimutin at babangon, sa hirap na dumating
Magsisimulang muli at sa puso'y itatanim
"Taas noo tayong mga Pilipino! ! , ano man ang ating sapitin"

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Proud to be Filipino
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success