Sa ibang bayan ika’y pupunta
Upang paghandaan kinabukasan nating dalawa
Kaya’t pangakong maghihintay ang aking pabaon
Saan man paroroon puso’y sa akin sana nakatuon
Ginugunita mga masasayang lumipas
Hinihiling na sana pag ibig ay di kumupas
Nananalig na tayo’y di matitinag ng kalayuan
Sa pagdating mo’y manunumbalik ang tamis ng suyuan
Di maiwasan ng puso ang mangamba
Na maaring ika’y nakatagpo na nang iba
Mga sulat ko’y di na sinasagot
Kinakatwiran nalang sa trabaho ika’y laging pagod
Isang araw habang nakatanaw sa bintana ng aming kubo
Naaninag aninong nagpabilis ng pintig nang aking pulso
At ng mapagtanto kung sino ang aking nakikita
sa bintana nais ng lumundag, aking sinta
Mahal sa dami ng nais kong itanong
Yakap at halik mo ang tumugon
Kaya’t hinintay na lamang na iyong mabanggit
Pangarap nating lumagay sa tahimik
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem